Congratulations

Class
2024

Mensahe

On behalf of the Commission on Higher Education. let me congratulate the new batch of graduates
Pangasinan State University!

Today. we gather in the spirit of celebration. not only of the academic achievement of our graduates but the spirit of resilience, grit, and perseverance each of you exhibited throughout your journey, particularly in these challenging times.

We are here to celebrate the culmination of years of diligence and hard work that you, the graduates, have poured into your education. Every sleepless night, every challenging exam, every complex assignment you conquered was a stepping-stone on the path you tread today.

However, today's triumph was not forged in isolation. It was shaped by the tireless dedication of your teachers, administrators, and faculty, who, despite the hurdles posed by the pandemic, never wavered in their commitment to providing quality education.

It was further bolstered by the unwavering support of your parents and guardians, whose love and encouragement have been your guiding lights. We salute them all for their steadfast belief in the power of education.

The global pandemic has been a formidable adversary, yet it has provided us with a unique lens through which we perceive the world. The resilience and adaptability you have developed during this period have prepared you to take on the challenges of a post-pandemic world.

As graduates of a globally competitive university, you are the torchbearers of this new world. You are the
scientists who will continue to find solutions to our world's most pressing problems.

You are the technologists who will innovate for a sustainable future. You are the guardians of our environment, who will ensure that the beauty of our planet is preserved for generations to come.

To our graduates, as you step into the world armed with the knowledge and skills honed by this prestigious institution, remember that your journey doesn't end here. You carry the pride and honor of Pangasinan State University with you.

I leave you with the words of the late Nelson Mandela, "Education is the most powerful weapon which you can use to change the world." You have been equipped with this weapon, now go forth and make a difference.

May the roads ahead be filled with opportunities. the skies painted with success, and the winds carry you
toward a brighter tomorrow.

Your future is bright, and your possibilities are limitless. Continue to inspire, continue to strive, and most
importantly, continue to change the world.

Mabuhay kayong lahat!


J. PROSPERO E. DE VERA III, DPA

Chairman
Commission on Higher Education

Mensahe

Mga Minamahal Kong Magsisipagtapos,

Pagbati ng kapayapaan sa inyong lahat!

Nais kong magbigay pugay sa mga magsisipagtapos sa inyong tagumpay. Kayo'y mga bagong
magsisipagtapos na PSUnian na may pananalig, pagsisikap, at palasakit. Sa ating tema ngayon na, PSUnian sa may Pananalig, Pagsisikap, at Malasakit: Katuwang ng Industriya sa Bagong Pilipinas,
nararamdaman ko ang sigla at determinasyon na dala ninyo sa ating mga komunidad at sa ating bansa. Kaya naman, bago ako magpatuloy, hayaan ninyo akong magbigay ng isang matalinghagang tanong: Paano tayomagiging kabahagi sa pag-angat ng industriya sa Bagong Pilipinas?

Tulad ng ating mga pangarap na pagbabago at pag-unlad, napakahalaga ng papel ng kapayapaan at
edukasyon. Hayaan ninyo akong mag-iwan ng isang makabu!uhang pahayag, Ang edukasyon at kapayapaan ay mga saligan ng ekonomiyang pangkaalaman at pagtutulungan para sa kinabukasan na may sustenableng pagsulong. Sa pagsusulong natin sa kapayapaan, binibigyang-halaga natin ang pagkakaroon ng isang mapayapa at maunlad na lipunan kung saan ang bawat mamamayan ay may pagkakataong umunlad at magbigay ng kontribusyon. Hindi lamang ito tungkulin ng mga lider at tagapamahala: ito ay tungkulin ng bawat isa sa atin.

Bilang mga bagong magsisipagtapos ng Pangasinan State University, ang inyong pinaghirapan at
pinag- aralan ay magiging susi sa inyong kinabukasan at sa ating bayan. Ito ang panahon upang ipakita
ang inyong husay at kakayahan hindi lamang sa larangan ng propesyon kundi pati na rin sa
pagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa ating lipunan. Kayat sa bawat hakbang na inyong tatahakin,
tandaan ninyo ang diwa ng pananalig, pagsisikap, at malasakit. Huwag kayong mawawalan ng pag-asa sa
kabila nq mga hamon. Ituloy ninyo ang inyong paglalakbay sa isang bukas na puno ng pag-asa at posibilidad.

Mabuhay ang bawat PSUnian na may pananalig, pagsisikap, at malasakit! Mabuhay ang Bagong Pilipinas na ating tinatamasa ngayon at hinahangad pa!


RONALD L. ADAMAT, Ph.D. P.D.

Komisyoner
Tagapangulo ng Lupon ng mga Rehente ng PSU

Mensahe

Maligayang Araw ng Pagtatapos sa Batch 2024 ng Pangasinan State University!


Ang inyong mga pagsisikap at dedikasyon ang nagsilbing ilaw sa inyong landas sa pagpapakadalubhasa sa 100b ng ilang taon, na Siyang nagpatunay ng natatangi ninyong determinasyon at pagsisikap para sa inyong pinangarap na diploma.

Mga mahal kong nagsipagtapos, sa bagong yugto ng inyong buhay, taglay ninyo ang mga aral na itinuro sa
inyo ng inyong mahal na unibersidad—ang mga prinsipyo ng integridad, karunungan, at pagmamalasakit. Ang mga iyon ay tulad ng mga gintong susi na magbubukas ng mga pintuan sa mga oportunidad at hamon sa inyong panibagong daan na tatahakin.

Mula sa CHED Regional Office l, nais kong ipaabot sa inyo ang aming taos-pusong pagbati at pagbibigay-pugay sa inyong tagumpay. Huwag ninyong kalimutan na kayo ay hindi lamang mga nagsipagtapos, kundi mga mahahalagang bahagi ng pagbuo ng isang mas maliwanag at mas makatarungan na kinabukasan para sa ating bansa. Nawa'y ang inyong mga pangarap ay magiging tulay sa pagunlad, at kayo'y maging kabahagi para sa pagbuo ng Bagong Pilipinas.

Maging bukas kayo sa bawat oportunidad at patuloy na magsikap. Maging matatag at magpatuloy sa pag-abot ng inyong mga pangarap, kahit gaano man kahirap ang daraanan. Ang bawat pagsubok ay isang hakbang patungo sa inyong tagumpay, at ang bawat tagumpay ay isang hakbang patungo sa pagbuo ng mas Magandang kinabukasan para sa ating bayan.

Muli, maligayang pagbati sa lahat ng nagsipagtapos, at Isang malaking pagpupugay sa mga bagong
handog ng galing at talino mula sa Pangasinan State University!


CHRISTINE N. FERRER

Director IV
Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon - Rehiyon I

Mensahe

Maalab na pagpupugay sa mga magsisipagtapos ngayong Akademikong Taon, 2023-2024!

Sa inyong pagtatapos, natitiyak ko na walang pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ng inyong mga magulang at mahal sa buhay. Nagbunga ang kanilang mga sakripisyo at pagpapagal para sa inyo. Mapapasainyo na ang pinakamahalagang pamanang masasandalan ninyo sa habambuhay — ang pamanang edukasyon.

Batid kong labis kayong ipinagmamalaki ng inyong mga magu ang dahil sa aam In runyong tagumpay. Pinatunayan ninyo na kabilang kayo sa mga anak na nangarap, nagpunyagi, at nagtagumpay. Ang lahat ng pagod at pagsisikhay sa pag-aaral ay mapapalitan ng ngiti at galak. Higit pa sa karangalan mula sa matatanggap niyong diploma ang inyong maipagmamalaki. Kahanga-hanga rin ang ipinakita ninyong pagtitiis at pagsisikap.

Ang temang PSUnian na may Pananalig, Pagsisikap, at Malasakit: Katuwang ng Industrya sa Bagong Pilipinas ay may malinaw na mensahe sa ating lahat, lalo na sa inyong mga magsisipagtapos. Sana ay maging malinaw sa inyo ang biyaya ng edukasyong inyong natamo at kung paano ninyo ito gagamitin sa pagpasok ninyo sa napiling larangan. Patuloy kayong manalig sa habag at biyaya ng ating Dakilang Lumikha. Magtiwala rin kayo sa inyong sariling kakayahan at galing, at sa kabutihan ng ating kapwa bilang isang lahing Pilipino. Lagi ninyong ipamalas ang pagsisikap at dedikasyon sa anumang gawain o hanapbuhay na ipagkakatiwala sa inyo sa hinaharap.

Gaya ng inyong mga magulang, at bilang ama ng pamantasan, umaapaw rin ang nararamdaman kong kaligayahan sa inyong pagtatapos. Bilang isang pamilya, ang buong pangasiwaan ay nagkaisa para aibigay sa inyo ang kalidad na edukasyon. Matapang naming hinarap ang sari-saring hamon na dulot ng panahon at internasyonalisasyon. Katuwang ang inyong mga mahuhusay na guro, sinikap ng administrasyon na matugunan ang mga pangangailangan sa pagtuturo at pagkatuto sa bagong normal.

At tulad ng isang pamilyang sandigan ng bawat isa, kaisa ninyo ang administrasyon sa bawat balakin ninyo sa hinaharap. Nakikisaya kami sa inyong tagumpay. May bagong pahina ng buhay ang mabubuksan sa  nyong pagtatapos. Baunin ninyo ang lahat ng mga ikinintal sa inyong kaalaman at kasanayan na inyong magagamit sa buhay at trabaho sa panahon man ng pagsubok.

Umaasa akong iaalay ninyo ang natamong edukasyon para sa isang dakilang hangarin. Ipakita ang malasakit sa kapuwa. Mag-isip at mamuhay para rin sa iba. Buksan ang pandama sa pangangailangan ng
bansa. Hinihikayat ko kayong tuparin ang pananagutan ng inyong napiling propesyon. Bathin at balikatin ninyo nang buong pagsisikap ang inyong magiging responsabilidad, at tumugon sa pangangailangan ng industriya atlipunan. Kumilos at makiisa sa pagbuo ng isang bagong Pilipinas na mainam panirahan.

Baunin ninyo ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakamit ninyong paranga sa loob at labas ng bansa. Bahagi kayo sa mga parangal na natanggap ng pamantasan. Inaasahan ko na buong pagmamalaki niyong sasambitin na kayo ay produkto ng PSU, saan mang lugar kayo makarating. Buong pamilya nating ipagdiwang ang inyong tagumpay, Batch 2024!


ELBERT M. GALAS, DIT

Pangulo

Mensahe

Maalab sa m a magsisipagtapos ngayong Akademikong Taon, 2023-2024!

Hindi mabilang ang mga taludtod na naglalarawan sa katotohanang puno ng pagsubok ang buh ay Subalit, hindi rin kayang sukatin ng imahinasyon ang lakas at tibay ng isang nilalang na nakikipagdigma Sa
bawat hamon ng buhay.

Kayong mga magsisipagtapos ay mga buhay na patotoo na sa arena ng pakikipagtagisan para sa pangarap ay posibleng magtagumpay. Ipinamalas ninyo ang matibay na pananalig sa Maylikha. Ipinakita niyo ang pagsisikap na may lakip na pagtitiis at pagtitiyaga.

Minsa'y naging mapait ang inyong paglalakbay at pagsalok ng karunungan. Kayo'y pinanghinaan ng loob, ngunit hindi sumuko. Tunay nga na lahat ay inyong napagtagumpayan dahil naniwala kayo na ang ka-hirapan ay hindi hadlang sa pag-abot sa mga pangarap.

Sumasaludo ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Akademiko at Serbisyong Pangmag-aaral sa inyong natamong tagumpay. Kapuri-puri ang ipinakita ninyong pagpupunyagi makamit lamang ang inyong mga pangarap. Tiniis niyo ang pait ng mga pagsubok hanggang malasahan ninyo ang tamis ng tagumpay.

Ngayong abot-kamay na ninyo ang inyong pangarap, nawa'y magpatuloy kayo sa inyong hangarin na lalong mapagbuti ang sarili upang maging biyaya sa inyong pamilya, kapuwa at bayan. Dahil sa inyong na-
tamong edukasyon, nabigyan kayo ng pagkakataon na ipakita ang kahit munting malasakit at pagmamahal sa kinabibilangang komunidad. Munting malasakit na kapag nagpatuloy at lumaki ay lilikha ng mabubuting bagay at gawa na makatutulong sa ikagaganda ng ating bansa.

Anuman ang kurso na inyong natapos at ang trabahong inyong gagampanan sa hinaharap, inaasahan ng pamantasan na sa inyong pangkat manggagaling ang mga bagong sibol ng lingkod-bayan na may pananalig, masikap at mapagmalasakit na magiging kabalikat ng mga industriya sa Bagong Pilipinas.

Muli, kalakip ang taimtim na panalangin para sa inyong tagumpay, binabati ko kayo at ang inyong
mga magulang! Mabuhay ang PSU Class 2024!


MANOLITO C. MANUEL, EdD

Pangalawang Pangulo, Akademiko at Serbisyong Pangmag-aaral

Mensahe

Malugod na pagbati sa mga magsisipagtapos sa Akademikong Taon, 2023-2024!

Ang inyong pagtatapos ay patunay sa taos-puso niyong pananalig sa Dakilang Lumikha, at sa pagtiti-wala sa kaya ninyong gawin at marating kapag kayo ay nagsikap. Pagsisikap na inyong ipinamalas para mapagbuti ang sarili at mga mahal sa buhay at mapagmalasakitan ang kapuwa.

Sa inyong pananatili sa panantasan ay matagumpay ninyong hinarap ang lahat ng hamon para makamit ang pangarap na diploma. Kasabay ng inyong matiyagang pagsagwan sa alon ng pagsubok ay ang marubdob na pagsisikap ng administrasyon upang kayo ay mapaglingkuran sa pinakamahusay na paraan.

Ang tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Pananaliksik, Ekstensiyon, at Inobasyon ay patuloy na nagsasagawa ng mga saliksik at pag-aaral na magbibigay ng mga bagong kaalaman at solusyon sa mga puwang sa pananaliksik at pangangailangan ng iba't ibang institusyon at industriya.

Hindi rin tumitigil ang tanggapan sa paglilingkod at pagmamalasakit sa iba't ibang pangkat ng tao, sangay at tanggapan ng pamahalaan. Kaisa kami sa pagpapabuti sa iba't ibang aspekto ng buhay ng ating kapuwa sa anumang kasarian nabibilang at sa pagpapabuti sa kalagayan ng mga komunidad.

Mga minamahal naming magsisipagtapos, labis akong nagagalak sa inyong tagumpay. Lubos ko ring ipinagmamalaki ang paglawak at paglalim ng inyong kamalayan. Kalakip nito ang munting hiling na sana ay manatili kayong mapanuri sa paghahanap sa kabuluhan ng isang bagay, paniniwala, at gawain para sa lalong pagyabong at pag-unlad ng inyong mga sarili para sa bayan.

Gayundin, pinapaabot ko ang lubos kong pasasalamat at mataas na paggalang sa inyong mga magulang at mga kaanak sa pagsisikap na itaguyod ang inyong pagtatapos.

Muli, maligayang pagtatapos sa inyong lahat. Kabalikat ang PSU, sama-sama nating ipamalas ang pananalig, pagsisikap, at malasakit na tatak ng serbisyong PSUnian para sa Bagong Pilipinas.


RAZEALE G. RESULTAY, PhD

Pangalawang Pangulo, Pananaliksik, Ekstensiyon, at Inobasyon

Mensahe

Isang maalab at taos-pusong pagbati sa mga magsisipagtapos ngayong Akademikong Taon 2023-2024!

Higit pa sa inyong diploma at mga karangalang natanggap, kayo ang mga magsisilbing tagapagtaguyod ng tunay na pagbabago sa lipunan. Bilang mga PSIJnian na may pananalig, pagsisikap, at malasakit, mahalaga ang inyong papel sa pagiging katuwang ng industriya sa pagsulong ng isang mas progresibong Pilipinas.

Sa harap ng mga suliranin ng ating lipunan at gobyerno, mahalaga ang inyong boses at aksiyon bilang mga bagong propesyunal. Gamitin ninyo ang inyong edukasyon at mga karanasan na natamo sa ating pamantasan upang maging instrumento ng makabuluhang pagbabago at pag-unlad sa lipunan. Patunayan ninyo sa inyong sarili at sa buong mundo na ang bawat PSUnian ay may kakayahan at determinasyon na baguhin ang sistemang sumisira ng pagkakaisa, pag-asa, at pagtitiwala sa ating bayan. Ipakita ninyo ang inyong malasakit sa kapuwa at ang inyong tapang sa pagtindig para sa katarungan at katotohanan.

Nawa'y ikintal ninyo sa inyong isip at puso ang tungkulin bilang isang mapanagutang mamamayan para sa mas magandang Pilipinas, kung saan ang bawat Pilipino ay may patas na pagkakataon at serbisyong may integridad. Huwag kayong maging manhid sa mga pangangailangan ng lipunan at patuloy na maging boses ng kabutihan at pagbabago. Sa bawat adhikain, bawat pagkilos, at bawat pangarap, itaguyod ninyo ang diwa ng pagiging PSUnian na may pananalig, pagsisikap, at malasakit.

Magsama-sama tayong kumilos at patibayin ang ating mga pangarap para sa isang Bagong Pilipinas!
Mabuhay ang Batch 2024 ng Pangasinan State University!


JENYLYN V. OBOZA, Ph.D

Pangalawang Pangulo, Pamamahala at Pangangasiwa sa Pananalapi

Mensahe

Binabati ko ang lahat ng mga magsisipagtapos sa Akademikong Taon, 2023-2024!

Sa kabila ng mga hamon at pagsubo k matagumpay mnyong inarap ang bawat balakid ng inyong paglalakbay. Sa bawat hakbang na inyong tinahak, sa bawat aral na kailangan ninyong matutuhan, kayo ay
nagpakita ng sipag, tiyaga, at dedikasyon. Ang inyong mga pangarap ay nagbigay ng lakas sa inyo upang malampasan ang anumang pagsubok na inyong kinaharap. Ngayon, sa inyong pagtatapos, kayo ay aming
pinupuri at pinararangalan.

Hindi lamang ito ang wakas ng isang kabanata kundi ang simula ng bagong paglalakbay. Ang mga kaalaman at karanasan na inyong nakuha dito sa Pangasinan State University ay magiging sandata ninyo sa inyong hinaharap. Huwag ninyong kalimutan ang mga aral na inyong natutuhan dito—ang halaga ng pakikipagkapuwa, integridad, at paglilingkod sa bayan nang may pinakamataas na kalidad.

Nawa'y patuloy kayong magtagumpay sa inyong mga mithiin at magdala ng karangalan sa inyong sarili, sa inyong pamilya, at sa ating minamahal na unibersidad. Ang mundo ay nangangailangan ng mga kabatæng katulad ninyo—mapanlikha, matapang, at puno ng pag-asa. Magpatuloy kayo sa pagiging huwaran at magbigay ng positibong pagbabago sa ating lipunan.

Muli, taos-pusong pagbati sa inyong lahat. Mabuhay kayo at nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Diyos sa inyong mga susunod na balakin.

Maraming salamat at mabuhay ang mga nagsipagtapos mula sa Pangasinan State University!


PROF. CELESTE T. MERCADO

Pangalawang Pangulo para sa Katiyakang Kalidad

Mensahe

Marubdob na pagbati sa mga magsisipagtapos ngayong Akademikong Taon, 2023-2024!

Sa inyong pagtatapos, hindi lang namin ipinagdiriwang ang inyong tagumpay bilang mag-aaral ng PSU, kundi pati na rin ang mga pagsubok na inyong napagtagumpayan. Ito ang sandali ng umaapaw na pasasalamat at pag-alala sa kabutihan ng ating mga magulang, guro, at mga kaibigan na walang sawa tayong ginabayan at sinuportahang abutin ang ating mga pangarap.

Tunay na napakahalagang magbalik-tanaw sa inyong naging lakbayin bilang isang komunidad ng mag-aaral. Sa bawat pagsubok na inyong dinaanan, bawat tagumpay na inyong nakamtan, at sa bawat aral na inyong natutuhan, tumibay ang bawat isa sa inyo bilang mga indibidwal na handang harapin ang mga
hamon ng buhay. Ipinamalas ninyo ang matatag na pananalig sa Maylikha, at pagtitiwala sa sarili ninyong
kakayahan at talento. Hindi matatawaran ang ipinakita ninyong pagsisikap at pagtitiis.

Ang temang PSUnian na may Pananalig, Pagsisikap at Malasakit: Katuwang ng Industriya sa Bagong
Pilipinas ay naaangkop ngayong panahon sapagkat sa gitna ng pagkakaiba-iba ninyo bilang mga mag-aaral, kinakailangang iisa ang inyong mithiin upang lalong paunlarin ang ating bansa gamit ang mga sandatang inyong nakuha sa minamahal nating pamantasan. Kailangang isaalang-alang din natin ang halaga ng pagiging makatao at may pagsusumikap sa ating mga gawain.

Sinikap na ipunla ng Pangasinan State University sa bawat isa ang halagahang integridad, kredibilidad, kakayahan at katalinuhan, kaya patuloy ninyong ipamalas ang mga ito sa inyong pang-araw-araw na buhay, lalo nat kayo ay mga iskolar ng ating bayan. Maging mapagmalasakit at kabahagi kayo ng mga solusyon sa mga hamong dala ng kahirapan, kakulangan sa hanapbuhay, kamangmangan, at pang-aabuso
sa kapuwa at kapaligiran.

Bilang mga bagong magsisipagtapos, nasa inyong mga kamay ang susunod na yugto ng inyong buhay. Ang inyong pinag-aralan at mga kasanayang natamo sa ating pamantasan ay magiging pundasyon ng inyong tagumpay. Maging handa kayong harapin ang darating na mga pagsubok sa inyong mga propesyon at personal na buhay. Isabuhay ang katapatan sa inyong propesyon at sa inyong kapwa. Maging huwaran at magpatuloy sa paglago at pagbabahagi ng kasanayan sa mas makabuluhang mga layunin. Magsilbing huwaran kayo ng kabutihan at kabutihang-loob sa bawat aspekto ng inyong buhay.

Mula po sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Lokal at Internasyonal, lagi ninyo sanang alalahanin na lagi't lagi naming hahangarin ang inyong kabutihan at kaligayahan. Ipagbubunyi ng pamantasan ang lahat ng inyong magiging tagumpay sa lokal at internasyonal na larangan. Huwag matakot mangarap. Magsilbi kayong inspirasyon sa mga susunod pang henerasyon ng mga mag-aaral na magiging bahagi ng Pangasinan State University. Patuloy ninyong dalhin ang inyong pagkakaiba-iba at ang inyong mga natatanging kakayahan sa anumang landas na inyong tatahakin.

Muli, isang taos-pusong pagbati sa inyong lahat na magsisipagtapos. Maraming salamat sa inyong dedikasyon at determinasyon. Mabuhay ang Batch 2024 ng Pangasinan State University!


IAN D. EVANGELISTA, DBA

Pangalawang Pangulo para sa Ugnayang Lokal at Internasyonal